Alamat
Sandigan (Theme Song for the “Anitu” Comic Book Series)
[Intro: All]
Oooh, oooh, oooh, oooh-oh

[Verse 1: Mo, R-Ji]
Huwag panghinaan ng loob
Hindi ka nag-iisa
Kasama mo kaming lalaban
Bitbit ang pag-asang
Magiging malaya ang
Bawat isang abutin ang pangarap na pag-ibig

[Pre-Chorus: Tomas]
Kahit may namumuong
Sigalot sa puso
Pagitingan ang laban
Silakbo'y iyong pakawalan

[Chorus: All]
Ihanda ang balaraw at ang kampilan
Susupilin natin ang kasamaan
At malayang lilipad sa kalangitan
'Di magpapatalo ang kabutihan
Anitu ang aking sandigan
Pangako sa dulo may liwanag na nakaabang

[Bridge: Gami, R-Ji]
Ilang ulit mang bumagsak
Ay hinding-hindi pasisindak
Kahit na anong bagyo
Malalampasan mo
Walang makakapigil sa'ting puso
[Chorus: Tomas, Mo, All]
Ihanda ang balaraw at ang kampilan
Susupilin natin ang kasamaan
At malayang lilipad sa kalangitan
'Di magpapatalo ang kabutihan
Anitu ang aking sandigan
Pangako sa dulo may liwanag na nakaabang

[Outro: All]
Oooh, oooh, oooh, oooh-oh