Alamat
Hala
[Intro: All]
Sama-sama aagos nang pasulong
Aarangkada anumang lagay ng panahon
Sari-sari ang maaaring manghahamon
Ako'y mananatili, hindi magpapalupig sa iyo
(Alamat, handa 'rap)

[Verse 1: Tomas, Alas, Mo]
Sa bawat araw na hinarap ang pagsubok
Nagniningas ako't patuloy sumusugod
Nananalangin ka nang masidlak ako
Ika'y nananaksak, humahalakhak 'pag ako'y nagdurugo
Nakakarindi at paulit-ulit ang pangungutya mo't pagmamaliit
'Wag kang magulo, 'wag kang makulit
Masyado ka nang malupit
Ilang taon din ang pagtitiis
Sa mga bulong na mapang-alipin
'Di mapipigtal itong aking dangal
At magpapatuloy akong magniningning

[Refrain: R-Ji]
Nadarama ko ang pangmamata mo
Ang paglait mo sa bawat galaw ko
Subalit para sa kaalaman mo, hindi ako palulumpo

[Pre-Chorus: Jao, Tomas]
At kahit madapa, laksa-laksa ang pagdududa
Hindi humuhumpay ang daloy ng mga problema
Padayon lang ang pagliyab
Ng isip, puso at kaluluwa, raragasa
Pagbilang ng tatlo, nakatago na kayo
[Chorus: Taneo, Mo]
Hala
Hala
Hala, hala, hala ka
Hala
Hala, hala, hala ka
Masakit ba na makita (Hala)
Ang tagumpay ko sa kabila (Hala)
Ng matatalim mong salita? (Hala)
Tumabi ka d'yan baka masagasaan

[Verse 2: Alas, Taneo]
Puro na lang alingogngog nga murag
Mga bangaw na gatingogtingog
Hoy, dong, palihog kung buot pa sibog
Murag gadaghandagha namo sa akoa nagapalibot
Adu adu pay iti bara, lapayag ti agdara
Uray maysa awan iti tumagos iti kararwak
Karapat-dapat, dayta aya ti dinawat?

[Verse 3: Tomas, Mo, R-Ji, Jao]
Butunga pababa, ika an mapapagalon
Ha wili ta wanan, hai lacu anhalitaon
Puro aringasa, di nala humuyo ngan
Kumulaw kun ano itun akun kaya
Deng ngan pamamasit mu
Deng ngan pamanyira mu
Ala la ngan epektu, yeah, 'ala kang kwenta, tung
[Refrain: Tomas]
Nadarama ko ang pangmamata mo
Ang paglait mo sa bawat galaw ko
Subalit para sa kaalaman mo, hindi ako palulumpo

[Pre-Chorus: Mo, Taneo]
At kahit madapa, laksa-laksa ang pagdududa
Hindi humuhumpay ang daloy ng mga problema
Padayon lang ang pagliyab
Ng isip, puso, at kaluluwa, raragasa
Pagbilang ng tatlo, nakatago na kayo

[Chorus: Jao, Alas]
Hala
Hala
Hala, hala, hala ka
Hala
Hala, hala, hala ka
Masakit ba na makita (Hala)
Ang tagumpay ko sa kabila (Hala)
Ng matatalim mong salita? (Hala)
Tumabi ka d'yan baka masagasaan

[Bridge: Taneo, R-Ji]
At kahit ano pa ang 'yong balak sambitin
Baluti ko ay yari sa matibay na hangarin
Yurakan mo man itong aking nagawa
Hindi ako pagagapi, paaapi, pasisiil kahit sino ka pa
[Outro: All, Mo]
Pilipinas, handa 'rap!
Tara na! Luzon, Visayas, Mindanao
Sumigaw sa galak at humiyaw
Sumabay sa galaw at sumayaw
Hindi paaapi, pagagapi kaninuman
Raragasa