Alamat
Multo
[Intro: Cursebox, Alamat]
(Cursebox)
Alamat, handa 'rap

[Verse 1: Alas, Tomas]
Nakakaakit ka, diwatang nakita
Liwanag at ganda ang bitag sa mga mata
Hangin na dumaan, niyakap ang katawan
Maulap na gabi, sabay pa sa bilog na buwan

[Pre-Chorus: R-Ji, Mo]
Karapat-dapat bang matakot, oh, sinta?
Kaibig-ibig din kaya sa'yo gusto kong pumusta
'Paramdam mo kaya ang pag-ibig na dala
Malaman ko kung tunay ba, baka isang

[Chorus: All]
Multo
Takbo, takbo, takbo
Multo
Takbo, takbo, takbo

[Refrain: All]
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo
[Verse 2: Alas, Mo]
Natatakot ba kapag madilim?
Humanda na para sa mga lagim
Dahil ngayong gabi ang lahat ay mangyayari
'Wag basta madadala at 'wag ka basta mapraning
Basta ako para sa'yo, handang gawin lahat
Magkagalos man nang magkagalos ang balat
'Di ko man alam patutunguhan ng daanan na nilalakaran
Susubukan kong ikaw ay sugalan

[Pre-Chorus: Taneo, Jao]
Karapat-dapat bang matakot, oh, sinta?
Kaibig-ibig din kaya sa'yo gusto kong pumusta
'Paramdam mo kaya ang pag-ibig na dala
Malaman ko kung tunay ba, baka isang

[Chorus: All]
Multo
Takbo, takbo, takbo
Multo
Takbo, takbo, takbo

[Refrain: All]
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo
[Bridge: Jao, R-Ji]
Ang pag-ibig ay minsan sadyang mapanlinlang
Aakitin, dadalihin ka sa titig lang
Pero kahit na gano'n, 'wag mong pagbibigyan
Lalong-lalo 'pag dama mong sandali lang 'yan
'Di na para magpadalaw ng isang buwan na
Sigurado 'di rin tayo do'n mapupunta
Tanging payo ko sa'yo, mag-isip-isip ka
Para maiwasan mo na ma-ghost

[Refrain: All]
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

[Interlude: All]
Multo
Multo

[Outro: Taneo, Mo]
Puso mo'y 'wag basagin
Utak ang 'yong gamitin
Para sa dulo, walang iba pang sisisihin
Tingnan ang 'yong paligid
Ito ba ay para sa'kin
Nang 'di mahulog sa pag-ibig ng isang multo