Alamat
Dagundong
[Intro: All]
Isapuso, isapuso
Ang pagka-mandirigma
Isapuso, isapuso
Alamat, handa 'rap

[Verse 1: Mo, Alas, Mo & Alas, Taneo, *Tomas*, *Taneo & Tomas*, *Gami*]
Ilabas ang mga kalasag (Ha?)
'Wag ka karag-karag, humandang pumalag (Bakit?)
'Di mo ba nakikita 'yung mga nasa laot?
Mga balangay na dala-dala'y mga salot (Pero wait)
Mga katawa'y nakatapal ng bakal (Oh)
Wala tayong laban kung kawal sa kawal
Pero 'pag sama-sama nating palibutan
Ewan ko na lang kung hindi sila kilabutan
Patalasin mga pana't balaraw
*Sumigaw hanggang lupa ay gumalaw* (*Ah-ah*)
'Tong mga mapupusyaw, nag-iinaso
*Kapag kanilang baluti'y balutin ng palaso*

[Pre-Chorus: R-Ji]
Pulutong, humanay
Pasulong, 'kad
Maghintay ka lang
Ang mga gimbal
[Chorus: Jao, R-Ji, Tomas]
Ay dadagun-dadagun-dadagundong (Ooh)
Papau-papau-papaugong (Ooh)
Nagsusumigaw kahit na pabulong
Dahil pusong mandirigma
'Di papakutsa, 'di papapugong
Pusong mandirigma, 'di papadikta
At dadagun-dadagun-dadagundong

[Verse 2: Alas, Mo, R-Ji, Jao, *R-Ji & Jao*]
Sila 'yung napugutan
Sila 'yung naghalo ang balat sa tinalupan
Kami 'yung panalo, pero bakit parang kulang
Para bang sila 'yung naghintay at namuhunan
Teka sandali, mga gawi ko 'yung nabura
Ako na'ng magpapalakad
Ako 'yung nakatira
Buenom, esto es para ti tambien po
Paga tus aportes al ayuntamiento
Teka nga, sino kang nagpapapapel?
Mga pangalan namin, tinala sa papel
Ayaw kong makibahagi, 'wag ka nang pumapel
*Punitin ang sedulang gawa sa papel*

[Pre-Chorus: Tomas]
Pulutong, humanay
Pasulong, 'kad
Maghintay ka lang
Ang mga gimbal
[Chorus: Taneo, Tomas, Jao]
Ay dadagun-dadagun-dadagundong (Ooh)
Papau-papau-papaugong (Ooh)
Nagsusumigaw kahit na pabulong
Dahil pusong mandirigma
'Di papakutsa, 'di papapugong
Pusong mandirigma, 'di papadikta
At dadagun-dadagun-dadagundong

[Bridge: Taneo, Mo, Tomas, Jao, *Alas*]
Daming nasawi
Daming mga buhay nawala sa paggapi
Mga bayaning 'di mailibing mga labi
Pero may dalawang nobela'ng nakapukaw ng mithi
Pagdating ng bukang-liwayway sa wakas ay
Naiwawagayway na rin natin ang
Tatlong bituin at isang araw
Sa wakas, at tayo ri'y nakaisa nga raw
*Pero 'di natin namamalayan*
*Meron na palang ugnayan, magpalit-kamay ang mananakop*
Ngayon, 'di mo ba nakikita 'yung mga nasa laot?
Bagong bapor, dala-dala'y mga salot

[Pre-Chorus: Mo]
Pulutong, humanay
Pasulong, 'kad
Maghintay ka lang
Ang mga gimbal
[Chorus: R-Ji, Mo, Taneo]
Ay dadagun-dadagun-dadagundong (Ooh)
Papau-papau-papaugong (Ooh)
Nagsusumigaw kahit na pabulong
Dahil pusong mandirigma
'Di papakutsa, 'di papapugong
Pusong mandirigma, 'di papadikta
At dadagun-dadagun-dadagundong