Genius Pagsasalin Sa Filipino
YUTA - Twisted Paradise (Pagsasalin sa Filipino)
[Verse 1]
Araw araw, naghihirap ako, naglalakbay sa nakakalokong daan
May mapagpanggap na maskara, kailangang gampanan ang aking papel
'Di naglalaho ang nararamdamang kong sakit, walang kawala kahit sa panaginip
Kapalarang 'di matakasan, tulad ng puso kong wasak
Nakaluhod ako't gumagapang, hinahalikan ang aking pag-iisa
Tumutugtog ng malulumbay na himig sa kabila ng hungkag na maskara
'Di na 'ko pwedeng tumalikod
[Pre-Chorus]
Ang mundo ba ang mali?
O ako ba ang problema?
Tumatawa kahit na nagdurusa
Tulungan n'yo ako
[Chorus]
Nagniningning ako na parang bituin ngayong gabi
May dalang liwanag na kayang gumabay sa'yo buong gabi
Ang malunod sa'yong pagmamahal ay parang
'Pag walang nakatingin
Pakiramdam ko nawawalan ako ng buhay tuwing mas lalo kong pinagpapatuloy na lumipad
Samasayaw sa isang mapanlinlang na paraiso
[Verse 2]
Isang estranghero sa dulang ito, naglalaho, unti-unting nagiging kulay abo
Tanging kadiliman lang ang nagbibigay liwanag sa dilim na walang nilalaman
Nakikipag-usap ako, pero tinatawanan pa rin ako
Nagbubulungang baliw ako, tapos nagsimula nang tumugtog ang kanta
Sabihin mo ang pangalan ko, kalasin ang kadena
Ang gusto ko lang naman ay manatili rito, yakapin mo 'ko sa'yong bisig
Gusto kong makadama ng pagmamahal
[Pre-Chorus]
Ito ang kaguluhang hinahanap-hanap ko
Dumudulas sa hawak ng kapalaran
Tumatawa kahit na nagdurusa
Tulungan n'yo ako
[Chorus]
Nagniningning ako na parang bituin ngayong gabi
May dalang liwanag na kayang gumabay sa'yo buong gabi
Ang malunod sa'yong pagmamahal ay parang
'Pag walang nakatingin
Pakiramdam ko nawawalan ako ng buhay tuwing mas lalo kong pinagpapatuloy na lumipad
Samasayaw sa isang mapanlinlang na paraiso
[Bridge]
Gusto kong tumakbo papunta sa'yong bisig
Nauubusan na tayo ng oras
Oh, woah-oh-oh-oh-oh
Oh, kunin mo ang rosas na 'to
Bago siya maging kulay pula
[Chorus]
Lumilipad ako na parang bulalakaw ngayong gabi
Dala-dala ang madla at sa pagkakataong 'to
Ang malunod sa'yong dugo ay parang
Wala nang oras
Pakiramdam ko buhay na buhay ako tuwing mas lalo akong pinapatay
Samasayaw sa isang mapanlinlang na paraiso
[Outro]
Mapanlinlang na paraiso
Nakita mo sanang may
Nakita mo sanang may ngiti ako