Genius Pagsasalin Sa Filipino
Millie Parfait - 輪廻 (Reincarnation) (Filipino Translation)
Ako’y nagising na naman, sa lugar na ito
Nilanghap ko
Alam ko ang amoy na ito
Akoy naririndi na marinig ito higit sa kahit na sino

Kinigat ko ang aking labi at ako’y tumayo
Ang katibayan ng aking pagkatao ay hindi masisira
Sa lugar na ito kung saan nagtatagpo ang lahat ng landas
Kahit ilang beses man

Ang galaw at katahimikan ay di nagbabago
Nagtatampo ang probabilidad
Sa tuwing ito'y nauulit, unti unti itong lumalayo
Kahit na mapagod ang puso ko

Sa balang araw ako’y sigurado
Sa kabila ng walang katapusang paghihirap
Kung mayroon mang uliran
Bago ito matabunan

Muli
Ang nakatakdang daloy ng oras
Kahit na sabihin mo na hindi ito masisira
Tayo’y mahuhulog sa kaguluhan

Para masira ito
Ako’y nabigo nang paulit-ulit
Tanging pagkawala lang ang gumugulo sa aking isipan
Ang boses na nanginginig
Nawawala sa bangin ng oras
Sa tuwing ako'y lumilingon pabalik, ito'y gumuguho at nalalaho
Aking puso'y unti-unting kinakain
Ngumit muli, isang beses pa

Sa kabila ng walang katapusang siklo ng reinkarnsasyon
Kung meron pang pagasa
Maniwala kang maaabot mo ito
Iaabot ko ang aking kamay

Ang nakatakdang daloy ng oras
Kung gusto mo itong kunin
Sasama ako sa kaguluhan
Para mabawi ito

(Alt. Title(s): Rinne)