Genius Pagsasalin Sa Filipino
Dwta - Panganoron (Pagsasalin sa Filipino)
[Verse]
Tara na
Samahan mo ako sa aking pupuntahan
Tara na
Hindi naman kita ililigaw
[Pre-Chorus]
Magtiwala ka sa akin
Aking mahal
Wag kang mabahala
Dahil wala na sa 'yong mang-iiwan
[Verse]
Tara na
Ano pa ang pumipigil sa iyo?
Tara na
Sabay nating haharapin
Ang nakaabang na peligro
[Pre-Chorus]
Magtiwala ka sa akin
Aking mahal
Wag kang mabahala
Dahil wala na sa 'yong mang-iiwan
[Chorus]
Andito ako
Takasan natin ang maingay na mundo
Nariyan ako
Kahit abutin pa tayo ng suliranin
[Post-Chorus]
Pangako ko sa iyo
Hinding-hindi kita bibitawan
[Instrumental Break]
[Pre-Chorus]
Magtiwala ka sa akin
Aking mahal
Wag kang mabahala
Dahil wala na sa 'yong mang-iiwan
[Bridge]
Lalanguyin, sisisirin
Lalakarin, tatakbuhin
Kahit ano, kayang gawin
Kung pwede nga lang ito'y liliparin
Lalanguyin, sisisirin
Lalakarin, tatakbuhin
Kahit ano, kayang gawin
Kung pwede nga lang ito'y liliparin
Lalanguyin, sisisirin
Lalakarin, tatakbuhin
Kahit ano, kayang gawin
Kahit ano, kakayanin
[Chorus]
Andito ako
Takasan natin ang maingay na mundo
Nariyan ako
Kahit abutin pa tayo ng suliranin
[Post-Chorus]
Pangako ko sa iyo
Aking mahal
Wag kang mabahala
Dahil hinding-hindi talaga kita bibitawan
[Outro]
Nariyan na
Tayong dalawa sa lugar
Kung saan walang ingay
Narito na
Ang pangako ko sa iyo
Mamahalin ka
Hanggang sa dulo