NOBITA
Ikaw Lang
[Verse 1]
Oh, kay gandang pagmasdan ang iyong mga matang
Kumikinang-kinang, 'di ko maintindihan
Ang iyong mga tingin, labis ang mga ningning
Langit ay bumaba, bumababa pala ang tala

[Chorus]
Tumingin ka sa ’king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit, ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso’t maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin

[Verse 2]
At sa iyong paglalambing, ako ay nahulog din
'Di ko alam kung ano ang gagawin
'Di ko alam kung saan titingin
Halik sa labi, tinginan natin
'Di akalaing mahuhulog ka sa 'kin

[Chorus]
Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit, ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin
Sinta
[Instrumental]

[Bridge]
At sa paglisan ng araw, akala’y ’di ka mahal
At ang nadarama'y hindi magtatagal
Malay ko bang hindi mapapagal
Iibigin kita kahit ga’no pa katagal

[Chorus]
Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit, ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso’t maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin

[Post-Chorus]
La-la-la, la-la-la, la-la, la-la-la
La-la-la, la-la-la, la-la, la-la-la
La-la-la, la-la-la
La-la-la, la-la-la, la-la, la-la-la
La-la-la, la-la-la, la-la, la-la-la
La-la-la, la-la-la

[Outro]
Sinta