NOBITA
Unang Sayaw
[Verse 1]
Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong langit na 'ata
Ikaw ang kasama
Sa titig pa lang tunaw na
Hawak sa kamay wala na akong palag sa
Ay pag-ibig na 'ata

[Chorus]
Sa ilalim ng kalawakan pangalan mo'ng isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan

[Verse 2]
Tila'y rosas na pula, labi mong nagsasalita
Kay sarap itigil ang oras, maaari'y itali't iposas
Ang iyong mga tingin, labis ang mga ningning
Oh, panaginip ka, ayaw nang gumising pa

[Chorus]
Sa ilalim ng kalawakan pangalan mo'ng isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan
[Bridge - Spoken]
Sinta, naalala mo pa
No'ng unang araw na magtagpo ang mga mata?
Mga tala sa langit ay bumaba
Tila'y liwanag mo'y nagbabadya
Ng bagyo sa pusong pawala
Oh, sinta, sana naaalala mo pa
'Yong mga unang sayaw nating dalawa
Kasi sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Hanggang sa huling indak ng mga paa
Alam kong habangbuhay, iibigin kita

[Chorus]
Sa ilalim ng kalawakan pangalan mo'ng isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pakasalan