NOBITA
Bukang Liwayway
[Verse 1]
Bukang liwayway na, buksan ang 'yong mata
Kuhain ang panyo't punasan na
Tumigil ang mundo sandali sa piling mo

[Refrain]
Bumangon, tumayo, tumahan ka
Bumangon, tumayo't umaga na

[Chorus]
Tila'y walang katapusan
Ang pait na dulot sa iyo
'Wag mag-alala, 'di ka nag-iisa

[Verse 2]
Buksan mo ang pinto
Aral ng kahapon ang baon mo

[Refrain]
Bumangon, tumayo't tumahan ka
Bumangon, tumayo't umaga na

[Chorus]
Tila'y walang katapusan
Ang pait na dulot sa iyo
'Wag mag-alala, 'di ka nag-iisa
[Refrain]
Bumangon, tumayo, tumahan ka
Bumangon, tumayo't umaga na
(Ha, ah)
(Ha, ah)
(Ha, ah, ah)

[Bridge]
(Ha, ah) Punasan na ang luha mo
(Ha, ah) Deretso na ang lakad mo
(Ha, ah, ah) May darating na bagong umaga
(Ha, ah) Punas na ang luha ko
(Ha, ah) Deretso na ang lakad ko
(Ha, ah, ah) Nandito na ang bagong umaga
(Ha, ah, ah)

[Outro]
Tila'y walang katapusan ang pait na dulot sa iyo
'Wag mag-alala, 'di ka nag-iisa
(Tila'y walang katapusan ang pait na dulot sa iyo)
('Wag mag-alala, 'di ka nag-iisa)
Bumangon, tumayo't tumahan ka
Bumangon, tumayo't umaga na