Kung Maging Ulila

[Verse 1]
Kung maging ulila sa balat ng lupa
Ay kaawa-awa, laging lumuluha
Kay lungkot ng buhay ng walang magulang
Sa dusang tinataglay, walang dumaramay

[Verse 2]
Kung maging ulila, ay, kawawang tunay
Sa lahat ng bagay ay api-apihan
Kung ganyan ang buhay, buti pang pumanaw
Nang ako'y tahimik na't walang dinaramdam

[Outro]
Nang ako'y tahimik na't walang dinaramdam