Nora Aunor
Hindi Ako Iiyak
[Intro]
Ha, ah
[Verse 1]
Kapeng aking tinitimpla, lagi ngayong lumalamig
Hindi ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig
Ako't siya'y naghihintay masagi ng iyong bibig
[Verse 2]
Buhok na mahaba, iniingat-ingatan ko
Noong isang linggo'y pinaputulan ko ito
Marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
At 'di mo napansin at hindi tinutulan
[Chorus]
Huwag kang mag-alala, 'di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na gapatak
Ako'y pinulot mo singdumi ng burak
Binigyang pangalan itong aking anak
[Refrain]
Ha, ah
[Verse 3]
Pintong dati-rati'y bukas sa iyong pagdating
Ngayo'y nakasara at panangga sa hangin
Kung ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
Kahit mahina pa, ito'y aking sasagutin
[Verse 4]
Kay linis ng silid, walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap
Sanggol na nasanay, akala ay ama
Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa
[Chorus]
Huwag kang mag-alala, 'di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na gapatak
Ako'y pinulot mo singdumi ng burak
Binigyang pangalan itong aking anak
Huwag kang mag-alala, 'di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na gapatak
Pag-ibig na minsan sa iyo'y dinanas
Sa tulad kong putik, tama na at sapat
[Outro]
Tama na at sapat
Ha, ha