Arthur Miguel
Ang Wakas
[Verse 1: Arthur Miguel]
Mahirap ba'ng ipilit ang lumaban
'Pag hindi na kaya?
Saan na kukuha ng lakas?
Ibuhos man lahat-lahat
Wala pa rin itong pag-asa
Kung mag-isa kang lalaban

[Pre-Chorus: Arthur Miguel]
Sa pagtakbo ng oras, unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas

[Chorus: Arthur Miguel]
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?

[Verse 2: Trisha Macapagal]
Kapag damdamin na'ng nagsalita
Wala ka nang magagawa
Kung 'di sundin ito kahit ayaw
Wala na ngang natitira
Lahat-lahat naglaho na
Konting pilit pa'y masusugatan
Bumitaw ka na
[Pre-Chorus: Trisha Macapagal]
Sa pagtakbo ng oras, unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas

[Chorus: Both]
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?

[Bridge: Both, Trisha Macapagal]
Tayo'y nagkamali, tayo ay nasugatan
Maling galaw, lahat ay sasabit
Ito na ba'ng huli? Tayo'y magpapaalam
Na sa ating nakaraan at bibitawan

[Breakdown: Arthur Miguel, Both]
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho

[Chorus: Both, Trisha Macapagal]
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga? (Kung ayaw na talaga)
Kung ang pag-ibig mo (Pag-ibig mo), tuluyang maglaho (Maglaho)
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y papalayo, tadhana ba ito?