Jan Roberts
Hingalo

[Intro]
Ang basong ito ay sa iyo
Mapapawi ang iyong uhaw sa unang pagkakataon
Ang labing namumutla't biyak
Ang mga matang walang tigil sa pagsiyak
Panglabing-siyam na paumanhin
Pangdalawampu'y kasing pait din
'Di gaya ng una, 'di na gumagana
Tanda sa pagkilala, at sagisag ng pagpapahalaga

[Verse 1]
Ilang araw na 'kong nakamulat
Namamaga ang mga mata
Walang tigil sa pag-iyak
Naninikip aking dibdib
Nahihirapan akong huminga
Sa tuwing naaalala ka ang sinayang na mga alaala

[Chorus]
Ibinuhos lahat para sa'yo
Dinurog ang dating buo
Sobra na ang pagmamahal na ito
Walang naitira para sa sarili ko
Unti-unting ang aking pagsuko
Naghihingalo pati ang pusong
Dating masagana, ngayo'y lanta na
Dati'y mapula, ngayo'y patay na
[Verse 2]
Buo na ang aking pasya (Ang puso masyado ng maraming piraso)
Sarili ko naman muna ang mauuna
Ipipikit namumugtong mata (Ay hindi mananatiling buo)
Susubukang kung tatahan ba
Sa tuwing naaalala ka ang sinayang na mga alaala

[Chorus]
Ibinuhos lahat para sa'yo
Dinurog ang dating buo
Sobra na ang pagmamahal na ito
Walang naitira para sa sarili ko
Unti-unting ang aking pagsuko
Naghihingalo pati ang pusong
Dating masagana, ngayo'y lanta na
Dati'y mapula, ngayo'y patay na

[Outro]
Magiging masagana ang dating nalanta
Magbabalik buhay sa pagiging pula