[Verse 1: Seann Jefferson]
Kahit hindi tayo magkita alam mo namang ako'y sayo lang
Pero pag 'di nga nagkikita para bang puso ko'y nadadarang
Oh pa'no ngayon? Mga larawang-diwa mo nagpapakita ngayon
Kahit sabihin mong hindi, 'di ko maiiwasan 'yon
Di ba nga sabi mo sa akin pangmatagalan na 'yon
(Pangmatagalan na 'yon)
[Verse 2: DEMI]
Dinadalangin na makita ka ulit
At pagkatapos, 'di na 'ko mangungulit
Basta alam mo na 'yon
Gusto 'yong binabaon, oh-oh
Yung tinatago mong hapdi, 'wag mo munang indahin
Yung mga tama o mali ay 'wag mo munang isipin ngayon (Isipin ngayon)
Hindi ka ikakahon
[Outro: Seann & DEMI]
Dinadalangin na makita ka ulit
At pagkatapos, 'di na 'ko mangungulit
Basta alam mo na 'yon
Gusto 'yong binabaon, oh-oh