Maki
Siguro...?
[Verse 1]
Ako si baka, ako si pa'no ba
Ako si bahala na, hindi si siya na
Palaging tanong, hindi ang sagot
Parating muntik na, onti na lang

[Verse 2]
Ako si baka, ako si pa'no ba
Ako si bahala na, hindi si siya na
Bakit ganito? Buong akala ko
Katiyakan ako, ako nga ba si siguro?

[Verse 3]
Ako si walang kwenta, hindi si halaga
Ako si nang-iwan, ako ang masama
Hindi si tadhana, maling akala
Ako si huling naiisip nila

[Verse 4]
Ako ang buwan hindi ang mundo
Ako lang mali sa mga kwento mo
Ako ang kailangan, hindi ang gusto, woah, oh

[Verse 5]
Ako si handang subukan pang muli
Handang magmahal at muling ngumiti
Hindi man ako ngayon ang pinipili
Balang araw, ako siguro?