Eliza Maturan
ikaw, ikaw, ikaw
[Verse 1]
Kung iisipin ko pa ba't ko sinubukan
'Di mo naman pala kayang ipaglaban ang nasimulan
Dami mong mga pangakong binitawan
'Di mo naman pala kayang panghawakan
[Pre-Chorus]
Ako ay nagtiwala
Parang binalewala
Sa'n ba 'ko nagkulang?
Pwede bang balikan?
[Chorus]
Masisisi pa ba natin ang tadhana?
Kung masaya naman ang mga alaala
Kung bibigyan ako ng tatlong kahilingan
Ikaw, ikaw, ikaw
Sa paggising at pagmulat sa umaga
Ikaw lamang ang tinatanging nakikita
Ngunit 'pag hinahanap-hanap ay nawawala
Wala, wala, wala sa'king tabi
[Verse 2]
Pag-ibig na sa huwad na pangako
Lahat na pinag-alay, pero wala din sa'yo, sa'yo
Napapagod na 'kong laging natatalo
Sinisira yung sarili para lang huminto ito, ito
[Pre-Chorus]
Ako ay nagtiwala
Parang binalewala
Sa'n ba 'ko nagkulang
Pwede bang balikan?
[Chorus]
Masisisi pa ba natin ang tadhana?
Kung masaya naman ang mga alaala
Kung bibigyan ako ng tatlong kahilingan
Ikaw, ikaw, ikaw
Sa paggising at pagmulat sa umaga
Ikaw lamang ang tinatanging nakikita
Ngunit 'pag hinahanap-hanap ay nawawala
Wala, wala, wala sa'king tabi
[Outro]
Wala, wala, wala sa'king tabi
Wala, wala, wala sa'king tabi