Ben&Ben
Kapangyarihan
[Intro: Ben&Ben]
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

[Verse 1: Ben&Ben]
'Di naman kami nagkulang
Sa aming pag-uunawa
'Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan

[Pre-Chorus: Ben&Ben]
Huwag niyong tapakan
Ang katarungan

[Chorus: Ben&Ben]
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

[Post-Chorus: Ben&Ben]
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

[Verse 2: Ken, Pablo, Ken & Pablo]
'Di ba? Dapat ikaw ang nagsisilbi sa'min
Bakit tila kami'y nananaginip nang gising
Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin
Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata niyo'y mamulat
Magising sa sigaw na sumasalamin sa sumpa niyong magsilbi sa amin
Tuluyang nawalan ng bisa
[Verse 3: Justin, Josh]
Ba't sinaulo't 'di sinapuso bilang ng buhay ng tao
Kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo
'Wag niyong kalilimutan na hawak-hawak
Namin ang inyong trono
Nadidinig niyo pa ba 'ko?
Pangako'y napako dahil sa korona sa ulo niyo

[Bridge: Stell]
'Di na magpapaalipin pa
Sa mga rehas mo
'Di mabubuwag ng kahit anumang sindak
Ang katotohanang 'to

[Breakdown: Ben&Ben]
Ibon na malayang lumipad
'Di mo na makukulong

[Chorus: Ben&Ben & SB19]
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

[Chorus: Ben&Ben & SB19]
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak
[Post-Chorus: Ben&Ben]
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

[Outro: Ben&Ben]
Katotohanan, ang dapat mamuno (Nagsisilbi ka dapat)
Sa namumuno sa mamamayan (Nagsisilbi ka dapat)
Makatarungan ang dapat mamuno (Nagsisilbi ka dapat)
Sa namumuno sa mamamayan (Nagsisilbi ka dapat)
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat