Ben&Ben
Sabel
[Verse 1: Ben&Ben]
Sinubukan ka nilang pilayin
Sinubukan ka nilang patahimikin
Akala ba nila
Hahayaan mo sila?
Hindi na

[Verse 2: KZ Tandingan]
Sinubukan nga akong sirain
Katotohana'y sinubukang baliktarin
Akala ba nila
Hahayaan ko sila?
Hindi na

[Chorus: Both]
Sabel
'Di ka nila pag-aari
Sabel
Nariyan na'ng bahaghari

[Verse 3: Ben&Ben, KZ, Both]
Biglaan ka nilang binitawan
Ang aking halaga'y tinapakan
'Di ba nila alam
Kawalan ka nila
Hindi ba?
[Chorus: Both]
Sabel
'Di ka nila pag-aari
Sabel
Nariyan na'ng bahaghari

[Bridge: Ben&Ben, KZ, Both]
Hindi katahimikan
Ang magliligtas sa'yo
Ang tanging kailangan
Ay marinig ang boses mo

[Chorus: Both, KZ]
Sabel
'Di ka nila pag-aari
Sabel
Nariyan na'ng bahaghari
Sabel
'Di ka nila pag-aari
Sabel
Ikaw na ang bahaghari
Ikaw na ang bahaghari
Ikaw na ang bahaghari