Ben&Ben
Ilang Tulog Na Lang
[Verse 1]
Ang 'yong bisig ang sandalan
'Pag nangangawit na'ng walang hintong isipan
Ang 'yong tinig ang takbuhan
Kapag walang ibang gustong mapakinggan

[Verse 2]
Ikaw ang aking palagi
Ako'y iyong kakampi
At kung sa hirap ay abutin
Basta ba't magkatabi

[Chorus]
Bukas, ang sulat ko'y iaabot
Laman nito'y 'wag ilagay sa limot
"Kalawakan ko ang 'yong kamay"
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa'yo, oh, irog
At mga diwa natin ay 'di na mawawalay

[Verse 3]
Ikaw ang aking katahimikan (Ikaw ang aking katahimikan)
Kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan
Kahit nga ang kadiliman (Kahit nga ang kadiliman)
Kapag ikaw na ang ngumiti, matatabunan
[Chorus]
Bukas, ang sulat ko'y iaabot
Laman nito'y 'wag ilagay sa limot
"Kalawakan ko ang 'yong kamay"
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa'yo, oh, irog
At mga diwa natin ay hindi na mawawalay

[Bridge]
Matatapos din ang pangungulila kong ito
Ilang tulog na lamang ang bibilangin ko

[Chorus]
Ang sulat ko'y iaabot
Laman nito'y 'wag ilagay sa limot
"Kalawakan ko ang 'yong kamay"
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa'yo, oh, irog
At mga diwa natin ay (At mga diwa natin ay)
Mga puso natin ay hindi na mawawalay