SunKissed Lola
Dal’wang Patinig
[Intro]
Ama namin
Maaari kayang
[Verse 1]
Mga tuhod magkabilaang
Nangangapal kakaluhod
Sa harapan ng salamin parang hibang
Panay ang tanong kung
"Maaari bang mapasakin ka't mapasaiyo?
Ako yan ang paborito kong dasal"
[Pre-Chorus]
Dalawang patinig lang
Ng pinakaaasam
[Chorus]
Pwede bang ako na lang? (Sabihin mo oo)
Makasayaw mo hanggang (Kaya mo't gusto)
Mahaba man ang prusisyon
Sasamahan ka sa simbahan
Pwede bang ako na lang?
Sabihin mo oo
[Verse 2]
Bago iparating sa'yo ang mga panalangin
Ilang beses ipinaalam sa itaas ang bulong
"Maaari ba 'kong maging palagi mo
Dito sa mundong mailap ang kasiguraduhan?"
[Pre-Chorus]
Dalawang patinig lang
Ang pinakaaasam
[Chorus]
Pwede bang ako na lang? (Sabihin mo oo)
Makasayaw mo hanggang (Kaya mo't gusto)
Mahaba man ang prusisyon
Sasamahan ka sa simbahan
Pwede bang ako na lang?
Sabihin mo oo
[Refrain]
Ama namin
Maaari kayang (Oo)
Mapasakin
Pinakaaasam (Oo)
Ama namin
Maaari kayang (Oo)
Mapasakin
Pinakaaasam (Oo)
[Chorus]
Pwede bang ako na lang? (Sabihin mo oo)
Makasayaw mo hanggang (Kaya mo't gusto)
Mahaba man ang prusisyon
Sasamahan ka sa simbahan
Pwede bang ako na lang?
Sabihin mo oo
[Outro]
Sabihin mo oo
Sabihin mo oo
Sabihin mo oo