Sugarcane (PHL)
Paalam, Leonora
[Verse 1]
'Tong alay kong harana, para sa dalagang
Walang kasing ganda, amoy rosas ang halimuyak
Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang
'Di hahayaang mawala pa
'Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa
Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan
Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha
Hiling ko lang naman na

[Chorus]
Tayo na sanang dalawa
Ang siyang huli at ang umpisa
Papatunayang ang unang
Pag-ibig ay 'di mawawala

[Verse 2]
Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna?
Ang tangi kong hiling hanggang dulo, ikaw ang kapiling
Kung pwede lang hanggang pang magpakailanman
Hinding-hindi na papakawalan, kailanman

[Chorus]
Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na?
Ba't sa'ting dal'wa, ako na lang ang natira?
Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba?
Handang tahaking mag-isa, kahit wala ka na
[Guitar Solo]

[Chorus]
Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na
Kahit na 'di na tayo magsasama pa
Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka
Oh, Leonora kong sinta, ah-ah
Hindi man tayong dalawa
Ang siyang huli at ang umpisa
Liham ko ma'y matatapos na
Pag-ibig ko'y habang buhay na

[Outro]
Too-roo-roo-roo, doo-roo, doo-roo-roo
Too-roo-roo-roo, doo-roo-doo-roo
Too-roo-roo-roo, too-roo-roo-roo
Too-too, doo