Rey Valera
Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

[Verse 1]
Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailanman, nasaan ma'y
Ikaw ang pangarap ko

[Chorus]
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko?

[Verse 2]
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin

[Chorus]
Ang nakalipas ay ibabalik natin, oh
Ipapaalala ko sa 'yo, oh
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
[Bridge]
Lalalalala, lala, hm
Lalalalala, lalalala, yeah

[Chorus]
Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang ating pangako
Ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi, oh kahit maputi
Kahit maputi na ang buhok ko, oh-woah-oh-oh-oh
Oh-oh