Rey Valera
Hindi Kita Iiwan
[Verse 1]
Hindi kita iiwan
Ang sagot ko sa puso mong laging nagtatanong
Hindi kita masisisi, ako ma'y nangangamba
'Pagkat hindi natin batid ang ating bukas

[Verse 2]
Halik na nagbibigay ng pag-asa
Mga yakap na nag-aalis ng pangamba
At ang pag-ibig natin sa isa't isa
Ang tangi nating laban sa lupit ng buhay

[Refrain]
Ninais nating umibig
Gayong tutol sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap
Sa mundong sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari sa 'ting pagmamahalan
Mahal ko, laging umasang
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan

[Refrain]
Ninais nating umibig
Gayong tutol sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap
Sa mundong sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari sa 'ting pagmamahalan
Mahal ko, laging umasang
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan