Rey Valera
Awit Ng Aking Bauhay
[Verse 1]
Hindi ko na matandaan kung paano nag-umpisa
At ako ngayo'y alagad ng musika
Nais ko lang makilala at kahit konti ay kumita
Walang ibang hangad 'pagkat ito'y hiniling ko na
At sa 'king pag-awit ay nakilala rin kita
Hanggang minahal at tuluyan nang naging buhay ko na, ah
Tuloy ang awit ng aking buhay
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Kahit ang aking pag-akyat ay sadyang naging mabagal
Higit kailanman, ako ngayo'y mapagmahal
Sa bawat himig ng awit na sadyang pinagpaguran
Ang tangi kong hangad, sana ay maintindihan
At kahit lungkot ang aking nadarama
Ga'no man kabigat ang problema na aking dinadala, ah
Tuloy ang awit ng aking buhay
[Verse 3]
Maraming beses nasabi sa sariling ayoko na
Bigat ng dala'y parang 'di na kaya
Ngunit hanggang ngayo'y narito pa rin
Sa harap mo, kahit mabigo
Kahit masaktan, sana'y hayaang kita'y awitan
[Instrumental Break]
[Outro]
At sa 'king pag-awit ay nakilala rin kita
Hanggang minahal at tuluyan nang naging buhay ko na, ah
Ito ang awit ng aking buhay