Rey Valera
Valera’s Theme 2
[Verse 1]
Ang pag-ibig, gampan ng isang awit
Paghuni mo sa bawat puso
Mawala man nang mahabang panahon
Sa bawat puso, ito ay buhay pa rin
At kahit sandali

[Bridge]
Lahat ay nagbabalik kapag naririnig
Ang awit na naging bahagi ng aking buhay
Lahat ay nagbabalik nang maalala ka
Pag-ibig na naging bahagi ng aking buhay

[Verse 2]
Kay tagal din nating 'di nagkita
Ako'y nasasabik na sa 'yo
Kumusta ka na? Nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, la-la

[Bridge]
Tandaan mo na lang ang sasabihin ko sa 'yo
Ang pag-ibig kong ito'y 'di magbabago
Kahit malayo ka sa piling ko
Umula't bumagyo, ayos lang
'Wag kang mangangamba, ayos lang
Kumusta ka mahal ko, ayos ba?
Sana'y 'di pa rin nagbabago
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, la-la
[Verse 3]
Mayro'ng lungkot sa'yong mga mata
At kay bigat ng 'yong dinadala
Kahit 'di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin

[Bridge]
At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y 'di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako

[Verse 4]
Kay sarap nang may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang, limot ko na

[Bridge]
Pangako sa 'yo ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo kailanman
'Pagkat ang tulad mo ay minsan lang sa buhay ko
Pangako sa 'yo ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo kailanman
'Pagkat ang tulad mo ay minsan lang sa buhay ko
[Verse 5]
Lahat ay nagbabalik
Lahat ay nagbabalik, oh
La-la-la, la-la