Healthy Diet, Gawing Ugali

Buhay ay regalo ng Panginoon

Alagaan sa bawat panahon

Kalusugan ang ating pundasyon
Isipin ang limitasyon

Pagkain ng maayos ang solusyon

Labanan natin ang malnutrisyon

Pero...

Kalusugan ay balewala

Di nakikinig, puro bahala

Kinalimutan ang paalala

Palaging wala at puro gala

Kalusugan ay balewala

Di nakikinig, puro bahala

Kinalimutan ang paalala

Palaging wala at puro gala

Pero 'di pa huli

Para sumaya muli

Tayo'y mag-ehersisyo lagi

Healthy diet, gawing ugali

Pero 'di pa huli

Para sumaya muli

Tayo'y mag-ehersisyo lagi

Healthy diet, gawing ugali

Ano ba ang natatanging gawin?

Kundi isipin ang nararapat sa atin

Tamang pagkain, kalusugan linangin

At ang mga kababayan natin ay anyayain

Sa tamang pamumuhay para sa magandang buhay

Pagkain at prutas at gulay

Healthy lifestyle ay isabuhay

'Di natin kalimutan

Buhay nati'y kayamanan

Kaya wag nating pabayaan

Kundi ito ay ating alagaan

Kalusugan ay balewala

Di nakikinig, puro bahala

Kinalimutan ang paalala

Palaging wala at puro gala

Pero 'di pa huli

Para sumaya muli

Tayo'y mag-ehersisyo lagi

Healthy diet, gawing ugali

Pero 'di pa huli

Para sumaya muli

Tayo'y mag-ehersisyo lagi

Healthy diet, gawing ugali

More by Gratitude

All Gratitude songs →