Kung Kita’y Kapiling

[Verse 1]
Giliw ano't 'di ka kumikibo
Naghihingalo na yaring puso
Dahil sa aking pagsuyo na 'di mo pinansin
At iyong binayaang masiphayo

[Verse 2]
Kung kita'y kapiling ay nalilimutan
Ang mga pasakit at dusang tinataglay
Sa lahat ng oras, ikaw ang pangarap
Ng abang bihag mong lagi nang nasa hirap

[Verse 3]
Bakit aking giliw, 'di mo pa lingapin
Ang naghihintay ng awa mo at pagtingin
Isinusumpa ko kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko hanggang sa hukay

[Interlude]

[Outro]
Isinusumpa ko kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko hanggang sa hukay