​gins&melodies
Tagsibol
Ang bigat man ng pasaning dala dala ko para sa sarili ay handang ipusta
Lahat ng kung ano ang meron ngayon magbubunga din lahat sa tinakdang panahon
Hindi lamang panalangin ang nasa akin ginagawa rin palagi
San man ako tangayin ng hangin
Aayon din mundo sakin gamit ko ang musika para kayo ay haranahin

Kaytagal na naghintay
Bumuka ang mga rosas

Kaytagal din naghimay
Mga kamay kong naka posas

Para bang walang liwanag
Na naghihintay pagkatapos

Mistulang nakagapos, maghapon na nanggapos
Kelan kaya makakaraos

Kaytagal na naghintay
Dumating ang aking oras

Lumamig na nung mahipa'y
Kaninang mainit ko na sopas

Makakamtan pa ba
At makukuha bago pa matodas
Ah basta wala namang mawawala
At sakto tagsibol na pala bukas
Ang bigat man ng pasaning dala dala ko para sa sarili ay handang ipusta
Lahat ng kung ano ang meron ngayon magbubunga din lahat sa tinakdang panahon
Hindi lamang panalangin ang nasa akin ginagawa rin palagi
San man ako tangayin ng hangin
Aayon din mundo sakin gamit ko ang musika para kayo ay haranahin

Ano pa ba ang dapat kong gawin
Ano pa ba
Ano pa ba ang dapat na aralin
Ano pa ba

Nakailang ikot na ako
Puro buhangin nakain kung hindi bato
Sana bukas ay dyamante na
Para naman makabalanse na

Marami narin ang aking talo
Imbis na humamig, namalato

Marami narin ang inabono
Pilit kumakapit sa pangako