Mamâ para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako heto po ang bayad ko (2x)
Si Mang Berto na sumakay sa may kanto
Atin nang simulan ang mga kwento
May kaisa-isang anak na babae
Ngalan ay Luisa, isang estudyante
Ang pag-aaral iginagapang
Upang kahirapan ay matakasan
Isang gabi ng Marso, bandang alas-otso
Maagang umuwi ng bahay si Mang Berto
May dalang supot ng pansit at mamon
Maligaya kahit sa bihirang pagkakataon
Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha
Ang kanyang pinakamamahal na si Luisa
Dapat sana'y meron na silang patutunguhan
Ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan
Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay
Pangarap ni Luisa ay inanod lang na kasabay
Mamâ para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako eto po ang bayad ko (2x)
Pagdaan sa may Quezon Avenue
Sumakay naman si Ate Marilou
Bente kwatro anyos, walang natapos, ang anak ay nasa ICU
Pagpatak ng alas-onse, naka-kolorete
Siya'y nasa tabi at pumapara ng kotse
Kahit dos bente kanyang papatulan
Pambili ng gamot para malunasan
Kahit isang araw lang buhay ng kanyang anak madugtungan
Bukas ng gabi naman
May ilang buwan na ring kanyang ginagawa
Walang matagpuan, wala syang magawa
Bakas sa mukha lahat ng pait
Ngunit sanggol nya'y walang kapalit
Kahit alam nyang siya'y nahawa ng sakit
Para sa kanyang anak gagawin ng papikit
Mamâ para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako eto po ang bayad ko (2x)
May isang batang nakasabit sa estribo
Anim na taon ang pangalan ay Benito
Maghapon magdamag syang nagtatrabaho
Punas ng sapatos at bote't dyaryo
Para may makain ang tatlong kapatid
Lima, apat, dalawang taon, isang batang paslit
Pa lamang ay naatang na sa kanyang balikat
Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat
Nang ipinasok sa kulungan ang ina sila'y iniwan
Sinubukan nyang pigilan ngunit siya'y pinagtulakan
Hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid
At sa isang kariton ang hininga'y napatid
Ngayon ay 'di na batid kung ano ang syang hatid
Ng bukas para kay Benito na tila parang manhid
Na sa hapdi dulo't ng mga pangyayari
Sumisinghot ng rugby bumaba sa may Malate
Mamâ para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako eto po ang bayad ko (2x)
Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating
Tumawag lang kay mamang drayber tayo'y makakarating(2x)
Mamâ para (3x)
Tayo'y makakarating
Mamâ para (3x)
Tayo'y makakarating