Noel Cabangon
Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
[Verse 1]
Kung tayo ay matanda na, sana'y 'di tayo magbago
Kailanman, nasaan ma'y ito ang pangarap ko

[Chorus]
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin
Hanggang sa pagtanda natin?
Nagtatanong lang sa 'yo, ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?

[Verse 2]
Pagdating ng araw ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin

[Chorus]
Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

[Bridge]
La-la-la-la-la, la-la-la-la la-la
La-la-la-la-la, la-la-la-la la-la, la-la-la-la

[Chorus]
Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi
Kahit maputi
Kahit maputi na ang buhok ko