Noel Cabangon
Ibang Hugis Ibang Kulay
Ikaw ay tuwid ako nama'y hindi
Pero ‘di ibig sabihin na ako'y mali
‘Di mo alam ang aking pinagdaanan
Wala kang karapatang ako ay husgahan
‘Di ko kailangan ang maging tulad mo
Ang kailangan ko lang ay maging ako
Iba-iba tayo dapat mong tanggapin
May mga bagay na ‘di kayang baguhin
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Nakikita mo ba itong bulag sa harap mo
Walang maaninag madilim ang mundo
‘Di man makakita ang mga matang to
Pag-ibig ng Diyos malinaw sa kanyang puso
Siya ma'y isang bulag at siya nama'y pipi
Na ngayo'y nagtagpo at nagkatabi
Kinukutya at pinagtatawanan dati
Ngunit ang totoo inspirasyon kami
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
May gustong maglakad ngunit tanong paano
Nakakalungkot bakit nagkaganito
Ngunit sinabi mo lilipad na lang ako
Gagamitin ko ang pakpak ng pangarap ko
Aanhin ko ang paa sa'king sitwasyon
‘Di ko naman mahabol takbo ng panahon
Ang kailangan ko ngayon ay pag-asa
Magtatawid sa akin sa isa pang umaga
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Magkaiba man ang ating mga anyo
Pakatandaan mo na walang perpekto
Taliwas man ako sa'yong pamantayan
Sa ‘ki'y may magmamahal ng walang hanggan
Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa ‘yo
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya (wag mong isipin ang sinasabi ng mundo ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa ‘yo)
Walang lamang walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya
Lahat lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya