Rico Blanco
Elesi
[Verse 1]
'Pag automatic na ang luha
Tuwing naghahating-gabi
'Pag imposibleng mapatawa
At 'di na madapuan ng ngiti

[Pre-Chorus]
Kumapit ka kaya sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya

[Chorus]
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala
Sapagkat ngayong gabi ako ang
Mahiwagang elesi

[Verse 2]
'Pag komplikado ang problema
Parang relong made in Japan
At parang isang sandwich na nasa lunchbox mong nawawala
Nabubulok na sa isipan

[Pre-Chorus]
Kumapit ka kaya sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya
[Chorus]
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala
Sapagkat ngayong gabi ako ang
Mahiwagang elesi, elesi

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Minsan ako'y nangailangan
Dalian kang lumapit sa akin
Ibinulong mo, kaibigan
Ako ang iyong liwanag sa dilim

[Pre-Chorus]
Kumapit ka kaya sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya

[Chorus]
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala
Sapagkat ngayong gabi ako ang
Mahiwagang elesi, elesi