Rico Blanco
Ulan
[Intro]
Now here's something from Rivermaya

[Verse 1]
Hiwaga ng panahon, akbay ng ambon
Sa piyesta ng dahon, ako'y sumilong

[Pre-Chorus]
Daan-daang larawan
Ang nagdaraan sa aking paningin
Daan-daang nakaraan
Ibinabalik ng simoy ng hangin

[Chorus]
Tatawa na lamang at ba't hihikbi?
Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sinong 'di mapapasayaw ng ulan
At sinong 'di mababaliw sa ulan

[Verse 2]
Hinulog ng langit, ang siyang nag-ampon
Libu-libong alaala, dala ng ambon

[Pre-Chorus]
Daan-daang larawan
Ang nagdaraan sa aking paningin
Daan-daang nakaraan
Ibinabalik ng simoy ng hangin
[Chorus]
Tatawa na lamang, oh, bakit hindi?
Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sinong 'di mapapasayaw ng ulan?
At sinong 'di mababaliw sa ulan?

[Instrumental Break]

[Chorus]
Tatawa na lamang, oh bakit hindi?
Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sinong 'di mapapasayaw ng ulan?
At sinong 'di mababaliw sa ulan?

[Outro]
At sinong 'di aawit kapag umulan?
At sinong 'di mababaliw? (Ako!)
Ulan
At sinong 'di mapapasayaw, ulan?
At sinong 'di mababaliw sa ulan?
Ulan, ulan, sa ulan, oh-ohh