Rico Blanco
Hinahanap-Hanap Kita
[Verse 1]
Adik sa'yo, awit sa akin
Nilang sawa na sa'king mga kuwentong marathon
Tungkol sa'yo at sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

[Chorus]
Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita, ah-ah, ah-ah

[Verse 2]
Sabik sa'yo, kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Ang ating ending, hatid sa bahay niyo
Sabay goodnight, sabay may kiss
Sabay bye-bye

[Chorus]
Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita, ah-ah, ah-ah
[Interlude]
Pilit ko mang ika'y limutin
Lagi kong natatagpuan
Ang iyong tinig at awitin
Tuwing sasapit ang ulan
At libo pang pinagsamahan
Mukha yatang nilimot na
Ng puso mong biglang lumisan
At may kapiling ng iba (Oh-oh)

[Chorus]
Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita

[Outro]
Sa school, sa flag ceremony
Hanggang uwian, araw-araw
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
At kahit pa magka-anak kayo't
Magkatuluyan, balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka