Rico Blanco
Antukin
[Verse 1]
Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang, baby, 'wag kang magbago
Dito ka lang humimbing sa aking piling
Antukin

[Verse 2]
Kukupkupin na lang kita
Sorry, wala ka nang magagawa
Mahalin mo na lang ako nang sobra-sobra
Para patas naman tayo, 'di ba?

[Chorus]
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan
Kung gusto, palaging merong paraan, ooh-ooh

[Verse 3]
Pinaiyak ka ng manghuhula
Hindi na raw tayo magkasamang tatanda
Buti na lang, merong langit na nagtatanggol sa
Pag-ibig na pursigido at matiyaga

[Chorus]
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan
Kung gusto, palaging merong paraan
[Bridge]
Long as we stand as one
Anuman ang ating makabangga
Nothing will ever break us
Wala talaga, as in wala

[Chorus]
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan
Kung gusto, hahalikan na lang
Natin ang kinabukasan
Nang buong loob at yayakapin pa
Tadhana'y medyo overrated kung minsan
Kung ayaw, may dahilan
Kung gusto, palaging merong paraan

[Outro]
Gumawa na lang tayo ng paraan
Gumawa na lang tayo ng (Baby)
Gumawa na lang tayo ng paraan