Rico Blanco
Ngayon
Lasapin mo ang halik ng hangin
Ang mga himig sariling atin
Tanggapin mo ang yakap ng araw
Hubarin ang hiya at sumayaw ng buong gabi
Ang nakaraan pasalamatan pero ngayon na ang panahon
Ang hinaharap puno ng pangarap pero ngayon na ang panahon
Dakmain mo ang bawat sandali
Umaagos at di maibabalik
Ang kahapon ay alaala
Bukas naman ay wala pa
Buhay natin ay nagaganap ngayon
Ang nakaraan pasalamatan pero ngayon na ang panahon
Ang hinaharap puno ng pangarap pero ngayon na ang panahon
Ang nakaraan pasalamatan pero ngayon na ang panahon
Ang hinaharap puno ng pangarap pero ngayon na ang panahon…
Ang panahon, ngayon ang panahon