Aegis
Basang-Basa Sa Ulan
[Verse 1]
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

[Chorus]
Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan
Sana'y may luha pa akong mailuluha
At nang mabawasan ang aking kalungkutan

[Verse 2]
Dumi at putik sa aking katawan
Ihip ng hangin at katahimikan
Bawat patak ng ulan at ang lamig
Waring nag-uutos upang maglaho ang pag-ibig

[Chorus]
Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At nang mabawasan ang aking kalungkutan
[Intrumental Break]

[Verse 3]
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ang ngunit heto, bumabangon pa rin

[Chorus]
Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan
Sana'y may luha pa akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan
Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At nang mabawasan ang aking kalungkutan

[Outro]
Ang aking kalungkutan
Ang aking kalungkutan
Ang aking kalungkutan