Angeline Quinto
Lipad Ng Pangarap
[Verse 1: Angeline Quinto]
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang-hanggang bukas
Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap

[Verse 2: Regine Velasquez]
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Katuparan ng iyong pangarap
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag

[Chorus: Angeline Quinto, Regine Velasquez, Both]
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo (Pangarap mo) na kay tagal mo nang mithi, whoa

[Verse 3: Regine Velasquez, Angeline Quinto]
Tutularan ka ng sunod na saling-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat

[Chorus: Regine Velasquez, Angeline Quinto, Both]
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo (Pangarap mo) na kay tagal mo nang mithi, whoa
[Outro: Angeline Quinto, Regine Velasquez, Both]
Liparin mo ang hangganan ng langit
(Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo)
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
(Ang pangako ng walang-hanggang bukas)
Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
(Ang tamis ng tagumpay), whoa
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay