Angeline Quinto
Hanggang Kailan
[Verse 1]
Nang dumating ka sa buhay kong hilo
Binigyan mo ng kulay ang puso kong ito
Bawat araw ay puno ng awit at tula
Pinalitan mo ng ngiti, mga matang lumuluha

[Chorus]
Hanggang kailan kita iibigin?
Hanggang saan kita hahanapin?
Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta
Magpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita

[Verse 2]
Akala ko pagmamahal mo ay akin
Ngunit sa isang saglit, ako pala'y iiwan din
Ako ba ay nagkulang? Ikaw ba ay sinaktan?
Upang iwanan mo ang puso kong ngayon ay sugatan

[Chorus]
Hanggang kailan kita iibigin?
Hanggang saan kita hahanapin?
Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta
Magpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita

[Bridge]
At kung sakali mang bumalik ka pa sa piling ko
Tatanggapin kita na walang isusumbat sa iyo
Pinatawad na kita bago ka pa bumalik
Kahit kailan man ay 'di maglalaho itong aking pag-ibig
Pag-ibig
[Chorus]
Hanggang kailan kita iibigin?
Hanggang saan kita hahanapin?
Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta
Magpakailanman
Kahit kailan, pinapangako kong hihintayin kita