Angeline Quinto
Umiiyak ang puso (minus one)
Bakit ba ang buhay ko'y ganito?
Wala na yatang natitirang pag-asa sa mundo
Lagi nalang tayong pinaglalayo
Di ba nila nadaramang ang pag-ibig ko sa 'yo'y totoo?

Di ko na kaya na humanap pa ng iba
Pagkat ikaw lang ang tanging sinasamba
Alam mo bang kapag kapiling ka
Bawat sandali ay walang kasing ligaya?

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw
Ang buhay kong ito ay walang halaga
Kung ang pagmamahal mo ay mawawala pa

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw
Pagmamahal mo lang ang tanging pag-asa
Di ko kayang mabuhay kung lalayo ka

Di ko na kaya na humanap pa ng iba
Pagkat ikaw lang ang tanging sinasamba
Alam mo bang kapag kapiling ka
Bawat sandali ay walang kasing ligaya?

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw
Ang buhay kong ito ay walang halaga
Kung ang pagmamahal mo ay mawawala pa
Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw
Pagmamahal mo lang ang tanging pag-asa
Di ko kayang mabuhay kung lalayo ka