A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Eraserheads

"Ang Huling El Bimbo"

[Verse 1]
Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha-cha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo nang El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

[Pre-Chorus 1]
Pagkaggaling sa 'skwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon
Ay tinuturuan mo ako

[Chorus]
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

[Verse 2]
Naninigas ang aking katawan
Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahang-dahang dumudulas ang kamay ko
Sa makinis mong braso

[Pre-Chorus 2]
Sana noon pa man
Ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso
Ay ito lang ang alam ko

[Chorus]
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

[Post-Chorus]
La la la la la

[Verse 3]
Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi, nasagasaan
Sa isang madilim na eskenita

[Pre-Chorus 3]
Lahat ng pangarap ko'y
Bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang
Pala kita maisasayaw

[Chorus]
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

[Outro]
La la la la la
La la la la la

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes and personal use only.
Copyright © 2017-2019 Lyrics.lol