Eraserheads
Magasin
[Intro]
Oooh, oooh, oooh
Oooh, oooh, oooh, oooh

[Verse 1]
Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green
'Sang tindahan sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa'yong kagandahan

[Verse 2]
Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dal'wa?
'Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita, tinawag mo 'kong walang hiya
Medyo pangit ka pa no'n, ngunit ngayon

[Chorus]
Hey!, iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa'yo, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong perang

[Post-Chorus]
Pambili, ooh
Pambili sa mukha mong maganda
[Verse 3]
Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado, damit mo'y gawa ni Sotto
Siguro ay malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe

[Chorus]
Kasi iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa'yo, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera

[Guitar Solo]

[Verse 4]
Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat, 'di ko napansin
Bastos pala ang pamagat, dali-dali ang binuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan

[Chorus]
Hey, iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa'yo, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera
[Chorus]
Kasi iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang lahat sa'yo, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong perang

[Post-Chorus]
Pambili, ooh
Pambili sa mukha mong maganda

[Outro]
Nasa'n ka na kaya?
Sana ay masaya
Sana sa susunod na issue
Ay centerfold ka na, ah, ah
Oooh, oooh, oooh
Oooh, oooh, oooh, oooh
Oooh, oooh, oooh, oooh, oooh