Eraserheads
Pare Ko
[Verse 1]
Pare ko, meron akong problema
'Wag mong sabihing "na naman?"
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
'Wag na nating idaan sa ma-boteng usapan
Lalo lang madaragdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

[Verse 2]
Anong sarap kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
'Yun pala, haggang do'n lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa

[Pre-Chorus]
Masakit mang isipin kailangang tanggapin?
Kung kailan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin!

[Chorus]
Oh, jusko, ano ba naman ito?
'Di ba? Tangina!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niyo lang ako
Letseng pag-ibig 'to!
Jusko, ano ba naman ito?
[Verse 3]
Sabi niya ayaw niya munang magkasiyota
De-hins ako naniwala
'Di nagtagal, naging gano'n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya

[Pre-Chorus]
Ba't ba ang labo niya?
'Di ko mapinta
Hanggang kailan maghihintay?
Ako ay nabuburat na!

[Bridge]
Pero, minamahal ko siya
'Di biro, T.L. ako sa kaniya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo

[Verse 4]
Oh, pare ko, meron ka bang maipapayo?
Kung wala ay okay lang
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na

[Pre-Chorus]
Masakit mang isipin kailangang tanggapin?
Kung kailan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin!
[Chorus]
Oh, jusko, ano ba naman ito?
'Di ba? Tangina!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niyo lang ako
Letseng pag-ibig 'to!
Jusko, ano ba naman ito?

[Outro]
'Di ba? Tangina!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niyo lang ako
Letseng pag-ibig 'to!
Jusko, ano ba naman ito?