Eraserheads
Alkohol
[Intro]
Chu-rut, chut-chu-ru-rut
Chut-chu-ru-rut
Chut-chu-ru-rut
Chut-chu-ru, chut-chu-ru, chut-chu-ru

[Verse 1]
'Di mapigil paggalaw, nagwawala, nagdadabog
Hoy pare, dahan-dahan lang, muntik ka nang mahulog
May taong bumubulong, meron ding sumisigaw
Meron pang nag-Iingles na parang Kanong hilaw
Bigla na lang natutulala, umiiyak, tumatawa
Meron ding nagnanakaw at nawawalan ng pera

[Pre-Chorus]
Sumusuray 'pag lumakad, nadadapa, nauuntog
'Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog
May taong naggagalas, parang luko-luko
Kung saan ka man abutin, CR mo ang buong mundo

[Chorus]
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chu-rut, chut-chu-ru-rut)
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chut, chut-chu-ru-rut, chut-chu-ru-rut)
Alkohol, alkohol, alkohol (Chut-chu-ru, chut-chu-ru, chut-chu-ru)

[Post-Chorus]
Uh
Yeah
[Verse 2]
'Di mapigil ang bibig, pati sikreto nasasabi
Nasusuka, kumakanta, napapraning sa isang tabi
"Kaya ko pa, kaya pa," 'yan ang laging sagot niya
Nananaginip nang gising, pumupungay ang mata
Konting alak nalulunod, lumalakas ang loob
Ume-ekis, gumagapang, natitisod, sumusubsob

[Pre-Chorus]
Labo-labo, sari-sari, may naghahanap ng away
Binabangungot nang gising, meron ding namamatay
Lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang
Umiikot ang tingin, utak mo'y kinakalawang

[Chorus]
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chu-rut, chut-chu-ru-rut)
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chut, chut-chu-ru-rut, chut-chu-ru-rut)
Alkohol, alkohol, alkohol (Chut-chu-ru, chut-chu-ru, chut-chu-ru)

[Post-Chorus]
Uh
Uh
Uh
Uh

[Pre-Chorus]
Lumiliwanag, dumidilim, nadadapa, nauuntog
'Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog
At may hangover pa, paggising masakit ang ulo
Paano ba ako nakauwi? Shit, kailangan ko ng yelo
[Chorus]
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chu-rut, chut-chu-ru-rut) (Hoy, hoy)
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chut, chut-chu-ru-rut, chut-chu-ru-rut) (Yeah)
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chu-rut, chut-chu-ru-rut) (Hoy, hoy)
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (Chut, chut-chu-ru-rut, chut-chu-ru-rut) (Yeah)
Alkohol, alkohol, alkohol, alkohol, alkohol (Chut-chu-ru, chut-chu-ru, chut-chu-ru) (Hoy, yeah, yeah, hoy)

[Outro]
[Non-Lyrical Vocals]