Regine Velasquez
Promdi
[Verse 1]
Laki ako sa baryo, ako'y sadyang promdi
Promdi probins at hindi nga prom da city
Sanay sa simple at mabagal na buhay
Magalang ang lalaki, marunong magsilbi

[Refrain]
Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko
Para akong trumpo

[Verse 2]
Ingat sa pagtawid sa kalsada (Ingat)
Jeepney't taksi ay humaharurot (Ingat ingat)
Ingat sa pagbaba baka mahulog (Mag-ingat ka)
Pati pitaka ninyo'y madukot (Ingat)

[Verse 3]
Iba't ibang lalaki ang nasa city
May playboy na pogi pero lima-limang steady
May makisig at seksi sayang may ses-mi
May gurang at parang lolo Chedeng pa'ng kotse

[Refrain]
Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko
Para akong trumpo
[Verse 4]
Doon sa disco ay may nakilala (Ingat)
Galing pumorma tamis pa ng dila (Ingat ingat)
Ang akala ko ay binata (Mag-ingat ka)
Kasama niya pala ang sugar mommy niya (Ingat)

[Chorus]
Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi

[Verse 5]
'Di ipagpapalit buhay promdi
Mga tao'y simple living pero happy
Ang lalaking promdi ay sarap umibig
Maski walang atik, hindi siya plastik

[Instrumental Break]

[Verse 1]
Laki ako sa baryo, ako'y sadyang promdi
Promdi probins at hindi nga prom da city
Sanay sa simple at mabagal na buhay
Magalang ang lalaki, marunong magsilbi
[Refrain]
Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko
Para akong trumpo

[Verse 2]
Ingat sa pagtawid sa kalsada (Ingat)
Jeepney't taksi ay humaharurot (Ingat ingat)
Ingat sa pagbaba baka mahulog (Mag-ingat ka)
Pati pitaka ninyo'y madukot (Ingat)

[Chorus]
Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi

[Chorus]
Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi

[Verse 5]
'Di ipagpapalit buhay promdi (Promdi)
Mga tao'y simple living pero happy (Pero happy)
Ang lalaking promdi ay sarap umibig (Sarap umibig)
Maski walang atik, hindi siya plastik (Promdi)