Regine Velasquez
Hanggang Ngayon
[Verse 1: Ogie Alcasid, Regine Velasquez]
Bakit 'di magawang limutin ka?
Bawat sandali'y ika'y naaalala
Tangi kong dasal sa Maykapal
Makapiling kang muli
Bakit 'di ka maalis sa isip ko?
Ikaw ang laging laman nitong puso ko
Kahit pilitin ko'ng damdami'y magbago
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

[Chorus: Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Both]
Hanggang ngayon (Hanggang ngayon)
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang hanggang ngayon

[Verse 2: Ogie Alcasid, Regine Velasquez]
Ikaw lang ang tunay na minamahal (Minamahal)
Ikaw lang hinihintay ko ng kay tagal
Ikaw ang ligaya (Ikaw ang ligaya)
Ang buhay at pag-asa
Ikaw lang, wala nang iba

[Chorus: Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Both]
Kaya't hanggang ngayon (Hanggang ngayon)
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang hanggang ngayon
[Bridge: Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Both]
Dapat ba nating pagbigyan
Ang ating mga puso'y muli pang buksan
At ibibigay lahat ang pag-ibig na tapat
Sa'yo, ohh, sa'yo, ohh

[Outro: Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Both]
Hanggang ngayon
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Hindi ko na kayang mag-isa (Hindi ko na kaya)
Ikaw lamang, ikaw lamang
Ikaw lamang, ikaw lamang
Hanggang ngayon, oh-ooh