Regine Velasquez
Ngayong Wala Ka Na
[Verse 1]
Nagtataka, nalilito
Ang isip sa paglisan mo
Naghahanap, nagtatanong
Ano nga ba ang dahilan
Nagkulang ba'ng pag-ibig ko sa 'yo
Mga alay ba'y 'di sapat
Sabihin mo

[Verse 2]
Matitiis ko nga kaya
Landas na susunda'y tama
Ang damdamin kaya'y handa
Ngayong ako'y nag-iisa

[Chorus]
Paano nga ngayong wala ka na
Buhay kaya'y mayroon pang halaga
Sabihin mo lang ang gagawin
Maibalik ka lang sa akin
Bawa't sandali ay nangangamba
Pa'no ko haharapin ang aking bukas
May takot, may lungkot sa 'king puso
Ngayong wala ka na

[Chorus]
Paano nga ngayong wala ka na
Buhay kaya'y mayroon pang halaga
Sabihin mo lang ang gagawin
Maibalik ka lang sa akin
Bawa't sandali ay nangangamba
Pa'no ko haharapin ang aking bukas
May takot, may lungkot sa 'king puso
Ngayon, ngayon
Paano ngayong wala ka na