Carol Banawa
Itanong Mo Sa Puso Ko
[Verse 1]
'Di mo siguro nalalaman
Na ikaw ang aking mahal
'Di mo siguro nakikita
Sa puso ang nararamdaman
Kapag tumitingin ka sa 'kin
'Di ko malaman ang damdamin
Gusto kong humimlay
At yakap mo sa 'yong piling

[Chorus]
Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko
Ay 'di ko masasabi, itanong mo sa puso ko
Kung bakit ikaw ang hinahanap ko
Damdamin ko ang sasagot sa 'yo

[Verse 2]
Hindi ko sukat akalain
Ikaw ang pintig ng puso ko
At 'di ko kaya nang pigilan
Ang alab na nadarama ko
Kapag tumitingin ka sa 'kin
'Di ko malaman ang damdamin
Gusto kong humimlay
At yakap mo sa 'yong piling
[Chorus]
Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko
Ay 'di ko masasabi, itanong mo sa puso ko
Kung bakit ikaw ang hinahanap ko
Damdamin ko ang sasagot sa 'yo

[Bridge]
Alam ko namang ikaw ay mayro'n nang iba
Ngunit patuloy pa rin sa 'yong umaasa

[Chorus]
Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko
Ay 'di ko masasabi, itanong mo sa puso ko
Kung bakit ikaw ang hinahanap ko
Damdamin ko ang sasagot sa 'yo

[Outro]
Damdamin ko ang sasagot sa 'yo
Ooh ooh ooh ooh