Carol Banawa
Bakit ’Di Totohanin
[Verse 1]
'Pag ako'y binibiro mo
Ang lahat ng 'yan, sa aki'y totoo
Mga titig mo ay tumutunaw sa puso ko
'Pag ako'y nasa tabi mo
Ay kay lakas ng kaba sa dibdib ko
Ang hiling ko lang sana'y malaman
Na ang puso ko'y sawa na sa biruan

[Chorus]
Bakit 'di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingap
Dahil habang tumatagal
Ay lalo kong natututunang magmahal
Baka masaktan lang, ooh-ooh

[Verse 2]
'Pag ako'y nasa tabi mo
Ay kay lakas ng kaba sa dibdib ko
Ang hiling ko lang sana'y malaman
Na ang puso ko'y sawa na sa biruan

[Chorus]
Bakit 'di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingap
Dahil habang tumatagal
Ay lalo kong natututunang magmahal
Baka masaktan lang
[Bridge]
Umaasa sa 'yo ang puso't damdamin
Pangarap ko ay mapansin

[Chorus]
Bakit 'di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingap
Dahil habang tumatagal
Ay lalo kong natututunang magmahal
Bakit 'di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingap
Dahil habang tumatagal
Ay lalo kong natututunang magmahal
Baka masaktan lang, ooh-ooh